Noong Enero 29, 2015, pumunta kami sa GK Enchanted Farm. Nakakita ako ng baboy, Pato, manok at iba pa. Kumain kami ng mais. Uminum kami ng Bayani Brew. May nakita akong Golden Bamboo. Gumawa kami ng peanut butter. Masaya sa GK Enchanted Farm.
Espesyal ang ating mundo kasi walang oxygen ang mga ibang planeta. Walang tao sa ibang planeta. Walang gusali sa ibang planeta. Espeyal ang ating mundo kasi may maraming kulay. Gusto ko ang ating mundo!
Ang mga kaklase ko ay sila Karina, Tati, Sam, Amy, Taj, Aleea, Mayim, Enzo, Liksi, Neil, Cachi, Gavy at Marco. Naglalaro kami ng Tag, Ice ice water at iba pa.
Ang mga kaibigan ko ay sila Ate Zyrah, Kuya Allen, Karina at iba pa. Si Ate Zyrah at Kuya Allen ay pinsan ko. Si Karina ay kaklase ko. Naglalaro kami paminsan-minsan sa bahay at paaralan. Naglalaro kami ng Marco Polo, Tag, Ice Ice Water at iba pa.
Ako si Gaby. Ako ay babae. Ako ay pitong taong gulang. May
nanay ako na si Donna Mae. May mga kapatid ako na sila Gian at Gael. May tatay
ako na si Mark Paul. May mga pinsan ako na sila Kuya Allen at Ate Zyrah. Mahilig
ako sa ice cream, pizza, popcorn at cotton candy kasi masarap. Ang paborito
kong kulay ay pink. Ang aso ko ay si Maisy. Ang paborito kong manika ay si
Coralyn. Ang paborito kong lugar ay Hongkong. Ako ay nakatira sa Quezon City. Ang
mga kaibigan ko ay sila Karina, Sam, Tati, Amelie at iba pa.